Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, gustong magka-anak kaya ‘di muna magda-Darna

102815 angel locsin darna
“GUSTO kong magka-anak,” ito ang bungad na pahayag ni Angel Locsin nang tanungin namin kung siya pa rin ang gaganap na Darna.

Sa kanyang tinuran, puwedeng isipin na naghahanda na itong maging Mrs. Luis Manzano. Ang posibleng problema lang ay kailangan muna niyang magpagaling.

Sa ngayon, kailangan niyang kompletuhin ang pagpapagamot at pahinga kung gustong magkaanak dahil mahirap sa kanya ang magdalang-tao dahil sa kondisyon ng spinal column.

“’Yung na po talaga tungkol sa aking disc. Tingnan na lang natin pero talagang health ang gusto ko kasi gusto kong magka-baby. Kaya ngayon, mahirap sabihin na ako uli si Darna kasi kailangan kong gumaling muna,” paglilinaw nito.

Inamin nitong babalik pa siya sa hospital para sa check-up pagkatapos ipalabas ang kanilang Everything About Her movie. ”So far tapos na ‘yung procedure ko sa pagpapagamot pero after the movie, premiere night and block screenings, mag-a-undergo pa rin ako ng column theraphy. Kailangan ko siyang ipagpatuloy. So far, okey naman po siya.” ( Alex Datu )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …