Monday , December 23 2024

Joed, na-mild stroke

012016 Joed Serrano
NAGKA-MILD STROKE pala ang concert producer-actor na si Joed Serrano bago mag-New Year. Feeling niya that time ay parang nauurong ang dila niya kaya inunat daw niya.Kung hindi raw niya ito naagapan ayon sa doctor ay utal-utal siyang magsalita.

Nagpapa-general check up siya ngayon sa Medical City at maingat na rin siya sa mga kinakain niya dahil bawal. Delikado kasi ‘pag nasundan pa ito ng second stroke kaya nag-iingat siya.

Nag-alala nga siya dahil atake rin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama-amahan sa showbiz na si Kuya Germs.

Sinabihan nga namin si Joed na bawasan ang stress lalo’t masakit pa naman sa ulo ang pagpo-prodyus ng mga concert.

Tuloy na ang prodyus niyang Valentine’s concert sa Smart Araneta (February 13 and 14) na comedy show ang handog niya. Ito’y pinamagatang Panahon Ng May Tama #Comikilig. Pangungunahan ito nina Boobsie  at Chuchay (Gladys Guevarra), Papa Jack at Ate Gay.

Target nilang kuning guests sina Alden Richards at Yaya Dub pero wala pang kompirmasyon. Mabubusog tayo sa tawanan at kilig sa Araw Ng Mga Puso.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *