SA interview ni Nora Aunor sa show ni Jessica Sojo noong Linggo ay sinabi niya na si German Moreno ang pinakamabait na taong nakilala niya.
Siguro kaya nasabi ‘yun ni Ate Guy dahil sa sobrang tulong na pinansiyal na ginawa sa kanya ng tinaguriang Master Showman ng showbiz noong time na down na down siya na walang offer sa kanya na proyekto sa TV man o pelikula.
Si kuya Germs talaga ang unang taomg sumuporta sa kanya at na-appreciate naman ‘yun ni Ate Guy.
Speaking of Kuya Germs, ang kanyang labi ay dadalhin sa Studio 6 ng GMA 7 ngayong araw para sa mga may gustong makita siya sa huling sandali. Open sa publiko ang kanyang burol at bukas ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan.
MA at PA – Rommel Placente