Tuesday , April 15 2025

Itinurong killer ng parak, arestado

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaking most wanted person na suspek sa pagpatay sa isang pulis, makaraang masakote ng mga awtoridad nang muling bumalik sa kanilang tirahan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang suspek na si Danilo Natividad, alyas Ting-ting, 40-anyos, ng Luke St., Brgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong murder, nakapiit sa detention cell ng Caloocan-PNP.

Ayon kay Chief Insp. Alfredo De Guzman Lim, hepe ng Caloocan Police Intelligence Unit, nakatanggap sila ng impormasyon na bumalik ang suspek sa kanilang lugar upang bisitahin ang kanyang pamilya.

Agad bumuo ng team ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni SPO3 Aurelio Aranida at isinagawa ng follow-up operation dakong 7 a.m. sa Cielito Homes Subd., Brgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Natividad.

Sa record ng pulisya, suspek si Natividad sa pagpatay kay SPO2 Ricardo Agacer, dating miyembro ng SWAT ng Caloocan North Police noong 2006 makaraan ang naganap na rambol sa loob ng isang beerhouse sa Zapote Road, Camarin ng nasabing lungsod.

About Rommel Sales

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *