MALAKI ang suportang maibibigay nina Mariel Rodriguez at Amy Perez sa bumababang ratings ng Kapamilya It’s Showtime ni Vice Ganda at ng iba pang mga kaasamahan.
Naisalba ang show dahil sa bagong format na ipinasok, ang Tawag ng Tanghalan, isang contest na malaki ang tulong sa mga may talent mula ibang lugar ng kapuluan. Ito ang hinahanap ng manonood bukod sa naaaliw, kumikita pa ng pera kapag nanalo. Ayaw na nila ‘yung tagapalakpak lang tuwing may matatapos kumanta o sumayaw.
Isa pa subok na sina Amy at Mariel sa ganitong style ng show na rati ring mga taga-Kapamililya. Muli silang nagbabalik-bahay. Totoo ang sabi ng marami, higit kang maligaya sa rati mong bahay nagkaroon ka man ng show sa ibang network.
SHOWBIG – Vir Gonzales