Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gelli Kapamilya na, talk show na pagsasamahan nila nina Janice at Carmina niluluto na

041015 Carmina Villaroel Gellie Janice de Belen
Magiging Kapamilya na si Gelli De Belen. Nagtapos ang kontrata niya sa TV5 noong Oktubre, freelancer daw siya ngayon. Hindi na rin daw nagpapapirma ng network contract ang TV5.

“I still have a show with TV5 right now, it’s ‘Happy Truck Ng Bayan’, na ine-air siya every Sunday, with Ogie (Alcasid), Janno (Gibbs) and Derek (Ramsay),” sey niya.

Ayaw niya talagang kompirmahin kung saang estasyon siya.

“Mahirap  magsalita hangga’t hindi official, hangga’t hindi nakakasa, mahirap magsalita, ‘di ba?

“So… malalaman n’yo naman ‘yun eh, ‘pag sigurado na. ‘Ika nga sa AlDub,  sa tamang panahon,”  deklara niya sabay tawa.

Ayaw ding aminin ni Gelli na may nilulutong talk show para sa kanilang tatlo nina Janice de Belen at Carmina Villaroel ang ABS-CBN. Wala naman daw offer na ganyan.

Pero excited din  siya para sa next level ng career niya. Pero hindi naman niya itinatanggi na  malaki  rin ang utang na loob niya sa TV5. Tinambakan siya ng shows na hindi niya magagawa sa iba.

Pak!

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …