Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ningning, dalawang linggo na lang mapapanood

072715 Jana Agoncillo Ningning ft
MAGBABALIK sa kanyang pinanggalingan ang munting bida na si Ningning (Jana Agoncillo) para makita sa huling pagkakataon ang kagandahan ng isla Baybay bago siya tuluyang hindi makakita at para magdiwang ng kanyang kaarawan sa huling dalawang linggo ng top-rating morning weekday Kapamilya program.

Matapos hilingin ni Ningning sa kanyang tatay Dondon (Ketchup Eusebio) na umuwi na silang mag-ama sa isla Baybay dahil sa kanyang kondisyon, masayang ibinalita ni Dondon kay Ningning na payag na siyang muling manirahan sa isla dahil ito ang makabubuti sa anak at mas ligtas ang kapaligiran ng isla. Pero bago aalis ang mag-amang Dondon at Ningning sa Maynila, maglalaan ng oras si Ningning para kabisaduhin ang mga mukha ng mga taong naging bahagi at nagpaningning sa buhay niya.

Malalaman kaya ni Ningning na siya pala ang nagsisilbing inspirasyon sa mga taong nakilala niya sa Maynila? Huwag bumitaw sa huling dalawang linggo ng Ningning, Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …