Gabi-gabing gising na gising ang viewers ng pinakabagong top-rating, Twitter trending primetime drama series ng ABS-CBN na “Bridges of Love” dahil sa pangunahing bida ng serye na si Maja Salvador. At sa mapang-akit na sayaw ng maganda at mahusay na actress bilang star dancer na inaabangan talaga araw-araw ng kanyang male fans. Tinututukan rin ito dahil sa mapangahas at mabilis …
Read More »Yearly Archives: 2015
TRO vs Binay suspension ipinatitigil sa SC ng Ombudsman
HUMIRIT ang Office of the Ombudsman sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang inisyung temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals (CA) laban sa suspension order kay Makati Mayor Junjun Binay. Marso 11 nang magpalabas ang Ombudsman ng anim-buwan preventive suspension kay Binay at sa iba pang opisyal ng lungsod na sinundan ng panunumpa ni acting Mayor Romulo Peña. Ngunit makaraan …
Read More »LTO mabilis sa multa mabagal sa resulta! (Stickers wala pa rin )
PARA umano madala ang mga traffic violator, itinaas ng Land Transportation Office (LTO) ang multa sa mabibigat na violations. Lalo na raw ‘yung mga paglabag na ginagamit ng mga criminal (i.e pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan). Gaya nitong ipatututpad daw sa Abril 1 (2015) na “No Registration, No Travel” policy. Sa ilalim ng nasabing patakaran ang motoristang lalabag ay magmumulta …
Read More »San Beda law grad topnotcher sa 2014 Bar exams
GRADUATE ng San Beda College of Law – Manila ang topnotcher sa 2014 Bar examinations. Siya si Irene Mae Alcobilla na nakakuha ng 85.5. Habang taga-Ateneo De Manila University (ADMU) ang pumangalawa na si Christian Drilon, nakakuha ng 85.45, pamangkin ni Senate President Franklin Drilon. Top 3 mula sa University of the Philippines (UP) si Sandra Mae Magalang na may …
Read More »Di rehistradong behikulo huhulihin simula Abril 1
SIMULA next week, Abril 1, ay ipagbabawal na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga hindi rehistradong sasakyan na bumiyahe. Huhulihin na raw nila ito, sabi ng kanilang spokesman na si Jayson Salvador. Nilinaw ni Jayson na ang mga sasakyan na walang plaka pero rehistrado ay maaari pang bumiyahe. Aniya, tambak na ang available plates ngayon sa kanilang tanggapan (LTO). …
Read More »Survey, kathang-isip lang
MALAKI na naman tiyak ang kinita ng Pulse Asia sa kanilang mga latest survey. Kesyo wala raw nag-commission o nagbayad para gawin ang pnaka-huli nilang survey na nangunguna pa rin si Binay kahit walang naniniwala na hindi nagnakaw ang kanyang pamilya. Ano kaya, kung subukang magpa-survey ng mga nagbabalak kumandidato na walang bayad, papansinin kaya sila o malalagay rin ang …
Read More »Sinseridad ang kailangan
HABANG isinusulat ko ang kolum na ito ay umaalingaw-ngaw ang panawagan ng bayan sa ating espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino na humingi ng paumanhin kaugnay ng kanyang papel sa madugong kinalabasan ng “Oplan Exodus” sa Mamasapano na 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ay minasaker ng magkatotong grupo na Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom …
Read More »20-anyos bebot dinukot ng kelot
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Nakapiit na himpilan ng pulis-ya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, …
Read More »4,600 Pinoy kailangan ng SoKor
NAGPAPASALAMAT si Labor Secreetary Rosalinda Baldoz sa pamahalaan ng South Korea dahil sa pagbibigay nang malaking oportunidad sa Filipino workers na magtrabaho roon. Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraan bigyan nang malaking alokasyon ang Filipinas na magpadala ng maraming mga manggagawa. Ngayong 2015, ang Ministry of Employment and Labor (MOEL) ng South Korea ay naglaan ng 4,600 slots para sa …
Read More »Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog
DOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, …
Read More »Pang-unawa hiling ni Pnoy sa Fallen 44 (Hindi ‘sorry’ sa namatayan)
HUMINGI ng pang-unawa si Pangulong Benigno Aquino III sa gitna ng kontrobersyang nilikha ng sagupaan sa Mamasapano. Sa huling pagsasalita ng Pangulo ukol sa Mamasapano, inilatag niya ang kanyang “punto de vista” sa nalalaman at basehan ng mga desisyon. Nilinaw ng Pangulo na kung alam niyang delikado ang isang misyon, hindi niya hahayaang tumulak ang isang tropa. “Pero sa ipinakita …
Read More »Agusan Norte gov ligtas sa ambush
BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte sa pananambang sa convoy ni Governor Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba dakong 11:30 a.m. kahapon na nagresulta sa pagkasugat ng isa niyang police escort. Kinilala ang biktimang si PO1 Vincent Salvador, miyembro ng Provincial Public Safety Company ng Provincial Police Office, tinamaan sa kanyang kaliwang braso. …
Read More »P60-M halaga ng pananim sa Cotabato napinsala ng tag-init
PUMALO sa mahigit P60 milyon ang napinsala sa agrikultura sa Cotabato dahil sa tag-init. Apektado nang pagtaas ng temperatura ang mahigit 4,000 ektarya ng taniman ng bigas, mais at saging. Aabot sa 4, 539 magsasaka mula sa mga bayan ng Alamada, Banisilan, M’lang, Pigcawayan, Antipas, Kidapawan at Matalam, ang apektado ng dry spell. Ayon kay Cotabato provincial agriculturist Engr. Eliseo …
Read More »VIP security officer dedo sa kabaro
PATAY ang isang VIP security officer makaraan barilin ng kanyang kasamahan na sinita dahil hindi sumasagot habang tinatawagan sa radyo kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Adventist Hospital ang biktimang si Nicky Albert Arevalo, 34, ng Block 54, Lot 22, F2, Dagat-Dagatan, Caloocan City, sanhi ng ilang tama ng bala sa kaliwang dibdib, kanang …
Read More »Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas
NAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo. “These are individuals who put their own lives on the line in the name of …
Read More »Ulo ng binatilyo sabog sa Russian roulette
CAUAYAN CITY, Isabela – Sabog ang ulo ng isang binatilyo na naglaro ng Russian roulette sa bayang ito kamakalawa. Ang nag-iisang bala na pinaikot sa de bolang baril ay pumutok at tumama sa ulo ni Melvin Evangelista, 17, nag-aalaga ng itik at residente ng Minagbag, Quezon, Isabela. Sa imbestigasyon ng Roxas Police Station, dakong 9 p.m. kamakalawa, nag-iinoman sa Matusalem, …
Read More »Sino si Joan Villablanca sa buhay ni Derek?
NAKATAWAG pansin sa amin ang mga retratong may kasamang girl si Derek Ramsay sa isang Instagram post. Isang non-showbiz girl ang tinutukoy naming kasa-kasama ni Derek na super sweet sila. Napag-alaman naming isang Joan Villablanca ang girl na madalas kasama ni Derek sa retrato. Ang kanilang picture ay lumalabas-labas na 2-3 months ago pa. So, ibig sabihin kaya nito’y …
Read More »Divine Lee at Victor Basa, hiwalay na raw
KAPANSIN-PANSIN na laman ngayon ng mga bar itong si Divine Lee. Halos ilang gabi nang napagkikita si Divine na nakikipag-inuman kasa-kasama ang mga beki friend. Ayon sa tsika, madalas daw ang pag-inom-inom ni Divine at pagrampa sa bar dahil hiwalay na ito kay Victor Basa. Kaya naman ang drama nito’y karay-karay ang mga friendship na beki dahil ayaw daw mag-isa …
Read More »Ai Ai, nagpi-primadona na raw ‘di pa man nag-uumpisa ang seryeng sasalangan
ni Ronnie Carrasco III PAGKATAPOS ng Genesis at Ang Dalawang Mrs. Real na parehong May-December affair-themed comes another GMA dramaserye na may ganito ring paksa, ang Let The Love Begin. The latter is supposedly the launching pad ng binubuhay na muling TV career niAi Ai de las Alas—hindi sa pamamagitan ng isang comedy show o sitcom o anupamang behikulo na …
Read More »P2-M at $4,000 na ibinigay ni Amalia kay Liezl, ipinababalik
ni Ed de Leon BUMANA na muli si Amalia Fuentes matapos na magparinig din sa kanya ang apong si Alyanna sa pamamagitan ng social media. Alam na naming mangyayari iyan, hindi palalampasin ni Amalia ang ganoong comment ng kanyang apo. Ngayon inilabas ng aktres na lalo raw na-stress ang kanyang anak na si Liezl nang umalis si Alyanna sa kanilang …
Read More »Fans ni Enrique, naglaway sa hubad at ‘kargadang’ sumilip
ni Alex Brosas TIYAK na kilig overload ang hatid ng latest Instagram post ni Enrique Gil. Nakahubad kasi si Enrique, half-naked siya sa shot na kuha sa isang banyo. Kitang-kita ang kanyang katawan, ang buhok sa kanyang kili-kili, ang muscles niya. Pero ang mas nakakaloka, nagpasilip si Enrique ng kanyang kargada. Nakabukas kasi ang zipper ng pantalon niya. Talagang sinadya …
Read More »Magkapatid na starlet, sila lang ang naniniwalang sikat sila
ni Ed de Leon PAREHONG nega ang dating ng magkapatid na starlets. Makikita mo naman kasi ang reaksiyon sa kanila ng publiko. Iyan ang nagagawa ng social media. Kasi kung minsan, ang iba sa press ay nakukuha sa “magandang PR”, alam mo na. Hindi baWendell? Pero dahil sa social media, iyong talagang damdamin ng mga tao, nakalalabas at nakikita ng …
Read More »Mukha ba akong gurang?!… I’m so fresh! — Ruffa to Annabelle
ni Roldan Castro HANGGA’T maaari, ayaw pag-usapan ni Ruffa Gutierrez ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal dahil baka mag-react na naman ang kanyang Mommy (Annabelle Rama). Pero itinuturing niyang best relationship ang sa kanila as of today. Pinupuna rin ni Tita Annabelle na laging may dalang computer ang bf. “Si Mommy kasi, hindi niya naiintindihan ang IT na trabaho. He’s …
Read More »Saan nanggagaling ang anda?
Marami ang nagtataka kung paanong nakasu-survive ang foreign hunk na feel na feel talagang mag-stay sa Pinas hitsurang wala naman siyang career dito. Unang-una, unlike Daniel Matsunaga, the ori-ginal Brapanese guy in our country who’s pre-sently under contract with ABS CBN and prior to this, to TV5, wala naman siyang regular show sa network na kanyang kinabibilangan at saling-pusa lang …
Read More »MPD off’l, pulis sinibak sa ikinadenang inmates
SINIBAK ang isang jail official at isang pulis sa Manila Police District (MPD) na itinurong responsable sa pagkakadena sa apat na akusado na nasipat ng HATAW photojournalist habang ibinababa sa headquarters para ilipat sa Manila City Jail nitong Martes ng hapon. Ayon kay MPD Director C/Supt. Rolando Nana, ini-relieve niya si Integrated Jail chief PCInsp. Danilo Soriano at ang jailer …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com