Wednesday , April 8 2026

Yearly Archives: 2015

Pilit ginigiba si  Dellosa

MAY ilang opisyal sa Malacañang na tila baga pilit ginigiba si Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa ng Intelligence Group na sa tingin nang marami sa Customs ay may kinalaman sa kanyang pinaiigting na kampanya laban sa pesteng smuggling. Sa ating analysis, may kinalaman lahat ito sa 20l6 presidential elections na nakataya ang credibility at tila gustong buhusan ng pera ni …

Read More »

DPWH modelong kagawaran — PNoy

MULA sa pagiging pinakatiwaling ahensiya ng pamahalaan ay naging modelong kagawaran na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyong Aquino. Ito ang papuri ni Pangulong Benigno Aquino III sa DPWH sa ika-117 anibersaryo ng kagawaran kahapon. “Kung may ahensiya sa gobyerno na dapat tularan sa pagpapaginhawa sa kalagayan ng taumbayan, DPWH iyan. Ang dating poster …

Read More »

Dentista: 70,000 mag-aaral — Recto (DoH, DepEd, DILG sanib-pwersa)

BINABALANGKAS na ang memorandum of agreement ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa ipatutupad na dental program simula sa susunod na taon. Ito ang pahayag ng Palasyo makaraan isiwalat ni Sen. Ralph Recto na siyam sa sampung Filipino ang may bulok na ngipin dahil hindi naglalaan ang administrasyong …

Read More »

10-anyos nalunod, 2 kapatid 1 pa ligtas sa tumaob na bangka

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 10-anyos batang babae habang nakaligtas ang dalawa niyang kapatid at isa pang kalaro nang tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat sa karagatang sakop ng Dipolog City kamakalawa. Batay sa ulat mula sa Dipolog City police station, pumunta sa dalampasigan para maligo ang magkakapatid na sina Angelica Guaduario Ubando, 10; Andrea Guaduario Ubando, 9; Angela …

Read More »

Unit buyers ng Torre de Manila ‘di makakukuha ng full refund (Ayon sa HLURB)

WALANG full refund na makukuha ang unit buyers ng Torre De Manila na nais nang umatras. Matatandaan, ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatayo ng kinilalang “Pambansang Photobomber” ng Rizal Monument. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), 50% na lang nang naibayad nila ang mababawi ng mga may-ari ng unit dahil nakabinbin pa ang usapin sa Korte. Hindi …

Read More »

Ambulansiya puno ng bala’t baril nasabat sa Bulacan

NASABAT ng pulisya na nagmamando sa checkpoint, ang isang ambulansiya na may kargang iba’t ibang uri bala at malalakas na kalibre ng baril sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, ang pagkakasabat sa ambulansiya ay bahagi ng ipinatutupad nilang ‘Oplan Lambat-Sibat’ at ito ay naganap sa M. Valte Highway, Brgy. …

Read More »

Erik at Angeline, itutuloy ang romansa sa Big Dome

  HARDTALK – Pilar Mateo .  THIS will be their moment! Ang pagkakaunawaan ng mga puso ng dalawang maipagmamalaki at hahangaang singers ng bansa, kasunod ang pag-aabang ng kanilang mga tagahanga sa pagsasama nila sa isang entablado para ang love songs ng mga puso nila eh, maialay sa mga ito. Kaya naman hindi kataka-taka na marami na ang nakaabang sa …

Read More »

Kim, nag-iipon para sa pagpapa-opera

HARDTALK – Pilar Mateo .  TICKING of his moments! Umarangkada na ang Happy Truck ng Bayan! ng TV5! Tuwing Linggo itong napapanood , 11 a.m.. Dahil dito, tuwang-tuwa na ang komedyanteng si Kim Idol. Na nag-akalang katapusan na ng mundo para sa kanya when he was diagnosed na mayroong AVM (Arteriovenous Malformation). Ayon kay Kim, ”Congenital po siya. Baby pa …

Read More »

Toni, si direk Paul na ang priority

  MA at PA – Rommel Placente .  KUNG noong dalaga pa si Toni Gonzaga ay ang pamilya niya ang top-priority, ngayon ay hindi na. Ayon sa singer/TV host/actress, si Direk Paul Soriano na raw ang magiging prioridad niya sa buhay. Aba, dapat lang naman. Tapos na ‘yung mga panahong talagang nag-trabaho nang husto si Toni para mabigyan lang ng …

Read More »

Cryptic message ni Angelica sa IG, nakaiintriga

UNCUT – Alex Brosas .  VERY intriguing ang cryptic message na ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account recently. “If you got somebody who will ride through thick & thin and hold it down for you, don’t ever play them. You’ll end playing yourself.” Iyan ang palaisipang mensahe ng dyowa ni John Lloyd Cruz. Natsitsismis na hiwalay na sila …

Read More »

Vice Ganda, napa-iyak kay Tatay Benjamin

  UNCUT – Alex Brosas .  NAPAIYAK si Vice Ganda kamakailan sa It’s Showtime and it is because of Tatay Benjamin na nanghingi ng advice sa kanya sa AdVice Ganda segment. Nangungulila kasi si Tatay Benjamin dahil nasa Dubai, Canada, at Hong Kong ang kanyang mga anak. “Nalulungkot po ako at nangungulila dahil ‘yung mga anak kong tatlo, wala na …

Read More »

Love team nina Coco Martin at Julia Montes bubuwagin muna

  VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma .  AFTER ng very successful nilang series sa Wansapanataym Special na “Yamishita’s Treasures” ay pansamantalang bubuwagin muna ng ABS-CBN ang love team nina Coco Martin at Julia Montes na napanood noon sa ilang top-rater teleserye ng Dreamscape Entertainment. Kaya sa bagong teleserye ni Coco na TV adaptation ng blockbuster movie noon ni late Fernando …

Read More »

4.3-M voters walang biometrics – Comelec

NAGPASAKLOLO na ang Commission on Elections (Comelec) sa taong bayan upang mapaangat ang bilang ng mga sumailalim sa biometrics para makaboto sa darating na 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, umaabot pa ng 4.3 million registered voters ang hindi pa naisailalim sa biometrics. Binigyang-diin ni Comelec Chairman Andres Bautista, nanganganib na ma-disenfranchise ang botante kung hindi sumalang sa biometrics o …

Read More »

E-Court ng Supreme Court inilarga na sa Quezon City RTC

NITONG Hunyo 16, Martes, isang kaso pa ng Libel ang na-dismiss laban sa aming managing editor na si Gloria Galuno at circulation manager Edwin Alcala, na isinampa ng negosyanteng si Reghis M. Romero II. Halos anim na taon din ang itinagal ng nasa-bing kaso hanggang makipagkasundo ang panig ni Mr. Romero na sila ay maghain ng Affidavit of Desistance. Kapwa …

Read More »

Problema nina Sec. Roxas at VP Binay

KAPWA may problema ngayon sa kanilang pagtakbong presidente sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay. Problema ni Roxas ang kanyang imahe kung paano idikit sa masa. Kasi nga mula siya sa angkan ng mayayaman. Iniisip ng mga maralita na wala siyang damdamin sa mahihirap, hindi alam ang nararamdaman at pangangailangan ng mga taong isang kahig-isang …

Read More »

Mikey Arroyo nakalusot kay Mison (Kahit walang ADO)

SA GITNA ng mga reklamong korupsiyon sa Tanggapan ng Ombudsman, nagpahayag ng pagdududa ang ilan sa mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa katapatan ni Immigration commissioner Siegfred Mison kaugnay na ng sinasabing VIP treatment na ibinigay sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).  Sa isang panayam, sinabi ng …

Read More »

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (3)

ANG hindi pantay na ugnayang ito rin ang dahilan kung bakit nilululon natin ang mga anti-mamamayang panukala ng International Monetary Fund at World Bank. Ang mga institusyong ito ang naglulubog sa atin sa utang at nagpapalaganap sa privatization ng mga pampublikong institusyon. Malinaw na ngayon na ang privatization ang nag-aalis sa responsibilidad ng pamahalaan na kalingain ang mga mamamayan na …

Read More »

LGU dapat magpasa ng cultural properties– NCCA

IPINAALALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga lokal na pamahalaan ang atas na ilista ang lahat ng cultural properties sa kanilang nasasakupan upang maiwasang masira ito ng ano mang proyekto ng pribadong sektor. Ito’y kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Torre de Manila, tinaguriang ‘photo bomber’ ng bantayog ni Dr. Jose Rizal …

Read More »

PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

BUKAS pa rin ang administrasyong Aquino na buhayin ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa komunistang grupo, ayon sa Palasyo. “Ang ating pamahalaan po ay nais isulong ‘yung prosesong pangkapayapaan at patuloy pang sinusuri ang iba pang posibilidad para sa pormal na pagpapanumbalik o resumption ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. …

Read More »

P274-M jackpot ng Grand Lotto solong tinamaan

NASOLO ng isang mananaya ang mahigit P274 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng bagong multi-milyonaryo ang winning combination na 35-01-08-27-30-06. Bago ito, tatlong buwan na walang nakapag-uwi ng jackpot sa Grand Lotto. Samantala, isa pang manlalaro ang tumama sa P36.2 milyon jackpot ng Megalotto 6/45 nitong Biyernes. …

Read More »