Regine, tanders na raw kaya okey lang kung ‘di na masundan si Nate

 

ni Alex Datu . 

031915 regine

AMINADO si Regine Velasquez na hindi na siya umaasang magkaka-anak muli dahil sa may edad na naman siya.

Aniya, matanda na siya at mahirap na para sa kanya na sundan pa ang kanilang anak ni Ogie Alcasid na si Nate.

Kahit may mga bagong pamamaraan ngayon para magbuntis ay hindi iyon ie-entertain ni Regine dahil nagawa naman nilang makabuo ng isang Nate ng walang artificial ek. Bukod pa sa may mga anak na rin naman na si Ogie sa unang naging asawa nito.