NAKAUSAP namin si Marlo Mortel noong Sunday sa programa naming Chismax sa DZMM Teleradyo.
Aminado ang magaling na singer at host na ngayon ng Umagang Kay Ganda, na may lungkot na dala ang balitang baka huling pagsasama na nila ni Janella Salvador ang MMFF entry nilang Haunted Mansion na noong magkaroon ng screening sa Greenhills Theater ay bonggang-bongga ang mga tilian at sigawan hahahaha!
“Pero hopeful pa rin po ako na in some ways ay magkakasama rin kami. Malay natin. Ang importante ay may nagawa kaming ipinagmamalaki namin at hindi namin ikahihiyang ipanonood sa inyo,” sey pa ng magaling na singer-aktor at host na nga ngayon.
At naniniwala nga siya na kung mayroon mang nagsarang oportunidad o dili kaya ay nawala, nabuksan naman ang hosting dream niya as proven by his daily stint sa UKG plus guesting sa Kris TV na host nga ang peg niya.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus