Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, pinaliligiran na ng mga bouncer ‘pag nagso-show sa labas

102815 alden richards
NAAPEKTUHAN din noong Tuesday si Alden Richards sa kasagsagan ng traffic at bagyong Nona.

Mga dalawang oras siyang late bago dumating sa show ng Wish Factoree (Kids Wish Festival) na ginanap sa Hall D ng World Trade, Pasay City. Ito ay proyekto ng Make A Wish Foundation, CCA Entertainment sa pakikipagtulungan ninaJoed Serrano, Romnick Sarmenta, Harlene Bautista atbp..

‘Yung ibang nagpa-reserve ay hindi  rin nakarating sa show ni Alden at ng Eat Bulaga That’s My Bae Grand Finalist 2015.

Mula pagbaba sa sasakyan hanggang pag-CR, pagpunta sa dressing room hanggang stage ay hindi iniwanan si Alden ng mga bouncer. Hindi ka talaga makakalapit sa kanya.

Nakasabay si Alden ng PMPC Carollers pero hindi na niya magawang bumati at makalapit dahil magkakaron ng kaguluhan at talagang pinaliligiran siya ng mga bouncer.

Hinintay na lang ang nilulutong Thanksgiving Party ni Alden sa press para roon na lang siya maka-bonding, tsikahan, at makapag-selfie sa kanya.

Sana lang maisingit niya ito sa hectic schedule niya.

Sad to say, kahit kinabukasan ay kanselado na rin ang show ng Wish Factoree na tampok naman si Ate Gay. Kasalanan ng bagyong Nona!

Lumayas ka nga, nakasisira ka sa ekonomiya ng Pilipinas.

He!he!he!
TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …