PINAKAMATAAS pa rin ang rating ni Pangulong Benigno Aquino III kompara sa ibang naging president ng Filipinas sa kabila nang pagbaba nito sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS), sabi ng Palasyo.
“The latest results released by the Social Weather Stations (SWS) from their fourth quarter survey show that public satisfaction with President Aquino remains among the highest in history, with 58% satisfied, 16% undecided, and 26% dissatisfied with the President’s performance,” ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
Base sa SWS survey, ngayong 4th quarter ng 2015, 58 % ng mga respondent ang nagsasabing kontento sa naging trabaho ni Pangulong Aquino mas mababa kompara noong 3rd quarter na may 64 porsiyento.
Habang tumaas nang bahagya ang nagsasabing hindi nasisiyahan sa pagganap ng tungkulin ng Pangulo na may 26 % mula sa 22 % noong nakaraang quarter.
Bumaba ng siyam na puntos ang net satisfaction rating ng Pangulo, mula positive 41 ay nakakuha ng positive 32 ngayong 4th quarter ng taon. Isinagawa ang survey noong Disyembre 5 hanggang 8 mula sa 1,200 respondents.