Friday , November 15 2024

Duterte tsismoso — Lacierda

TSIMOSO si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil ang pag-atake niya kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay walang basehan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maituturing na isang lightweight at tsismoso si Mayor Duterte dahil sa ginawang pag-atake kay Roxas na hindi muna bineberipika ang katotohanan sa likod ng kanyang mga alegasyon.

Inakusahan ni Duterte na peke ang pagiging graduate ni Roxas sa Wharton Business School sa Estados Unidos ngunit iginiit ng dating DILG chief na nagtapos siya rito.

“When you attack Mar Roxas on the basis of a chismis and then you don’t fact check that rumor, it shows you are a lightweight and a rumor monger. When you dare to slap Mar Roxas because your miniscule capacity for rationality has repeatedly allowed you to indulge your whims and caprices, it shows you are a spoiled dictatorial brat,” wika ni Lacierda sa kanyang facebook account.

“When you challenge Mar Roxas to a gun duel because you refuse to acknowledge your asinine error and knowing fully well as a lawyer it is a violation of the Revised Penal Code, it shows you are nothing but a two-bit goon,” dagdag ni Lacierda sa kanyang comment sa facebook.

Magugunitang hinamon kamakalawa ng suntukan ni Roxas si Duterte kaysa raw sampalan nang uminit ang word-war ng dalawa dahil sa akusasyon ni Duterte na hindi nagtapos sa Wharton University si Roxas.

“Some people may love your cursing and cussing everyone including the Pope. Some people may admire your bravura. Some people may swoon over your claims of putting law and order through the Davao Death Squad but in the end, people will realize that you are nothing more than an empty shell of half a form and no substance; your exaggerated brags of summary executions nothing more than insecurity masking as machismo and your true self far worse than the Emperor’s new clothes. In the land of the blind, the one-eyed is king,” giit ng presidential spokesman sa kanyang FB page.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *