Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, pinagnasaan din si Coco

121515 coco martin vice ganda
AMINADO si Vice Ganda na may pagnanasa siya noong araw kay Coco Martin pero nawala rin dahil nabuwiset siya.

Waiter pa lang noon sa Max’s Resto si Coco at hindi pa sila magkakilala. Kinukuha niya ito sa stage habang nagpe-perform sa Christmas party ng Max para hatutin pero tinanggihan siya. KJ daw si Coco. Feeling nga ni Vice porke’t guwapo ay ayaw sumama. Ang ending, pinaglaruan niya si Coco to the point na isinumpa siya ng actor.

Nagbanta raw ito na ‘pag nagkita sila sa labas ay sasapakin niya.

Hindi alam ni Vice na pinsan siya ng mga barkada niya. At noong maging magkaibigan na sila ni Coco mas umiral pa ‘yung respeto kaya nawala ang pagnanasa.

Anyway, kini-claim ni Vice na magiging number one ang Beauty And The Bestie sa Metro Manila Film Festival na kasama niya sina Coco, James Reid at Nadine Lustre. Wala naman daw mawawala kung i-claim niya.

At kahit parehong may filmfest entry sila ni Kris Aquino ay nagsusuportahan pa rin. Sa trailer pa lang daw ay nagtatawagan na sila at nagpupurihan. Hindi raw isyu sa kanila ang labanan sa takilya.

Eh, ‘di wow!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …