Sunday , December 22 2024

P6.6-M cocaine nakuha sa tiyan ng Venezuelan drug mule

drug mule venezuelanUMABOT sa 92 pellets ng cocaine ang nakuha mula sa tiyan ng isang Venezuelan drug mule na inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Tumitimbang ng 1.1 kilograms at may street value na tinatayang P6.6 milyon, ang pellets ay dala ng isang Andres Rodriguez, 39, pasahero ng Philippine Airlines flight PR657 na dumating nitong Disyembre 13 mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ayon kay Lt. Sherwin Andrada, executive officer ng Customs Anti-Illegal Task Force, nakatanggap ng impormasyon ang NAIA anti-illegal task force nitong nakaraang buwan mula sa kanilang counterpart sa abroad na nagsabing may isang pasahero mula sa South America ang magdadala ng cocaine sa Filipinas.

Aniya, nagpulong ang joint task force na kinabibilangan ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, at Office for Transportation Security, Manila International Airport Authority, na nagsimulang magsagawa ng operasyon mula noong buwan ng Nobyembre hanggang dumating ang suspek nitong Disyembre 13.

Walang nakita ang mga awtoridad sa bag ni Rodriguez maliban sa condom at laxative tablets. Ngunit hindi naman nakalusot sa drug-sniffing dogs dahil inupuan siya ng mga aso na isang indikasyon na mayroong kontabandong dala ang pasahero.

Habang iniimbestigahan si Rodriguez, napansin nila na hindi mapakali kaya dinala nila sa Philippine General Hospital (PGH) para doon isailalim sa physical examination at x-ray test. 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *