TUTULONG na rin ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa promo ng Honor Thy Father.
Producer ng MMFF entry ang anak niyang si Dondon Monteverde kaya’t masaya rin si Mother na napasali ito.
Bukod pa riyan, fan daw siya ni John Lloyd Cruz na siyang bida sa pelikula. Inamin din ni Mother na napanood na niya ang movie at sinabing, “napakaganda ng quality. Pang-entry talaga sa mga festival.”
Umaasa si Mother Lily na kahit may sariling entry ang Regal Films, ang Haunted Mansion, may mga audience at sariling hatak ang kakaibang movie ni Lloydie.
This Thursday nga ay hoping si Mother na makatuntong ng Regal compound sa Valencia ang aktor na nagpatawag siya ng presscon bilang tulong dito.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus