SPEAKING of Haunted Mansion, puring-puri ni Mother Lily Monteverde si Janella Salvador na napakahusay ang pagkakaganap.
“Puwede siyang mag-Best Actress dito,” sey ni Mother sa amin sa phone habang nakatutok daw siya sa DZMM show naming Chismax noong Linggo.
May panghihinayang man si Mother na parang hindi na masyadong mabibigyan ng exposure sa TV ang tandem nina Janella, Marlo Mortel, at Jerome Ponce, sa rami daw ng demand at mga request ng fans/supporters ng tatlo, “hindi naman imposible ang maging pair sila uli sa movie.”
Kaya naman dapat lang na suportahan at ipakita ng fans nina Janella, Marlo, at Jerome na hindi pa mabubuwag at kayang buwagin ang samahan nila.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus