Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, ‘di takot tumanda dahil may isang kaibigang tulad ni Coco

121515 coco martin vice ganda
VICE Ganda and Coco Martin have built up a strong friendship. The two have been friends even when they were just struggling performers.

“Sobrang personal (ang friendship namin). May mga bagay na hindi namin kayang i-share sa lahat pero kaya kong i-share kay Coco, maliban na lang sa dyowaan. Okray kasi talaga siya, minsan napapahamak ako dahil ang dami niyang alam sa akin kaya ayoko na talaga. ‘Pag dyowa ikinukubli ko. Sabi niya, ‘sino, sino talaga (ang dyowa mo)? ‘Yun lang ang inililihim ko sa kanya pero lahat alam talaga namin,” chika ni Vice sa presscon ng Beauty and the Bestie.

The beauty of their friendship is that nagdadamayan sila lagi.

“Hindi kami nagkikitang madalas dahil sa rami ng work namin. Mas busy siya sa akin, eh, kaya hindi kami nakakapag-usap pero ‘yung minsang text ay ang sarap-sarap sa pakiramdam. Kunwari may issue ako, hindi naman ako tumatakbo sa kanya kasi alam kong busy siya. ‘Okay ka lang best?’ Masayang masaya-na ako niyon. ‘Okay.’ ‘Okay ka pa, ‘pag ‘di mo na carry tawagan mo ‘ko.’ ‘Yun alam kong nandiyan siya at alam kong aware siya sa lahat ng nangyayari sa akin. Hindi siya nagpaparamdam ng presensiya pero sinisigurado niyang alam na alam niya ang nangyayari sa buhay ko kaya nagugulat ako. ‘Paano mo nalaman? Pinapa-NBI mo ba ako, hayop ka?’  Hangang-hanga talaga ako sa kanya. Mahal na mahal talaga ako ng taong ito. Sabi ko nga, mahal na mahal ako niyang si Coco kasi inaalam niya lahat sa akin at hindi niya hahayaang may isang bagay sa akin na hindi niya alam kasi gusto niya  pakikiaalaman niya. Kaya iyon ang pinanghahawakan ko.”

That said, Vice felt he couldn’t be alone in this world.

“Hindi ako natatakot tumandang mag-isa kasi may Coco Martin. Hindi ako mala-loveless kasi love ko siya, eh.”

Ibinisto rin ni Vice na sobrang pakialamero si Coco sa kanyang love life.

“Sa totong buhay ay mas okrayera siya (Coco) sa akin, mas masungit siya sa akin, mas istrikto siya sa akin. Ako kasi play time lang,” say niya.

 

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …