Thursday , December 12 2024

P30M shabu na naman!

00 aksyon almarSAMPUNG kilong shabu!? Ang alin? Ang nadale uli ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang Chinese national na hinihinalang drug dealer.

Ayos! Ang dami na naman nailigtas na kabataan sa tiyak na kapamahakan, ng QCPD na pinamumunuan ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio bilang District Director.

Ang pagkakakompiska uli ng 10 kilong shabu na nagkakahalaga ng P30 milyon ay patunay na naman na seryoso ang QCPD na sugpuin ang lahat ng sindikatong nagpapatakbo ng droga hindi lamang sa lungsod kundi maging sa karatig-lungsod at lalawigan hanggang sa buong Our Beloved My Philippines.

Noon pa man, pag-upong pag-upo ni Gen. Tinio sa QCPD, nagsabi na ang mama na galit siya sa droga…at ang droga ay walang puwang sa lungsod na ipinagkatiwala sa kanya.

‘Ika nga ni Tinio, gagawin niya ang lahat hindi para sa mamamayan at hindi para lamang sa ikagaganda ng imahe ng QCPD o ng buong Philippine National Police (PNP).

Iyan ang tama Heneral!

Dapat nga Heneral, hindi na pumasok nang buhay sa Kampo Karingal ang mga nahuhuli sa droga.

He he he… biro lang.

Ang lahat naman ay may karapatang mabuhay at magbago.

‘Ika nga, hindi ipinadala ng Amang Diyos ang kanyang nag-iisang Anak, ai Kristo sa mundo, para sa mababait kundi para sa mga makasalanan tulad natin.

At saka, malay natin kapag nakulong na ang mga nadakip, doon na nila mapagtanto na mali nga sila.

Pero sana naman, hindi magpatuloy ang kanilang transaksyon kahit na sila’y nakakulong tulad ng nangyayari sa ilang kulungan ng BJMP lalo na sa Bilibid.

Sa puntong iyan, tinitiyak naman ni Tinio na habang nasa pangangalaga ng QCPD ang mga huli – bago mailipat sa City Jail, ay hindi na makapagtransaksiyon sa labas.

E sino naman ang nakahuli at nakakompiska ng P30,000,000 halaga ng shabu nitong Biyernes, Disyembre 11, 2015.

Sino pa nga ba! Ang pinagkakatiwalaang drug buster ni Tinio sa QCPD – si Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Yes General, hindi ka nagkamali sa pagpapaupo kay Figueroa. Ilan na ba ang nahuhuling bigtime drug dealer ng DAID?

Isa, dalawa, tatlo… hindi lang kundi marami-rami na rin. E ilang kilong shabu na ang nakokompiska? Bente kilos? Hindi lang…maaaring ang sumatutal nito simula nang ibigay ni Tinio kay Figueroa ang upuan, maaaring umaabot na sa 20 kilo ang nakokompiska. Maaaring mahigit pa nga rito.

Sa huling operasyon ng DAID, nakasama nila rito ang tropa ni Supt. Jay Agcaoili, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU). Sa pinagsanib na puwersa ng DAID at DSOU, kalaboso ang Chinese national at dalawang Pinoy na kasabwat nito.

Sa buy-bust operation na ikinasa sa Macapagal Avenue, Pasay City, inaresto ng DAID at DSOU ang salaring si Yong Han Cai Co at dalawang kasabwat matapos bentahan ng isang kilong shabu ang tauhan ni Figueroa na nagpanggap na buyer.

Nang inspeksiyonin ang dalawang sasakyan ng tatlo, nakuha sa loob ang karagdagang 9 kilo na nakatakda rin nilang ideliber sa kanilang mga parokyano.

Pero dahil alisto ng DAID at DSOU, napurnada ang iba pang transaksyon ng tatlo. Wala nang maideliber e.

Buti nga sa inyo!

Siyempre, ang pagkakakompiska ng 10 kilong droga at pagkakahuli ng tatlong salarin, ayon kay Tinio ay bunga pa rin ng kampanya ni PNP Chief, Director General Marquez, laban sa droga at sa ipinaiiral na programang “Oplan Lambat Sibat.”

Sinaluduhan ni Tinio ang kanyang dalawang opisyal sa DAID at DSOU, maging ang kanilang mga tauhan.

Muli sa QCPD, Gen. Tinio, Supt. Agcaoili at Maj. Figueroa, hats off ang sambayanan sa inyo.

***

Para sa inyong reklamo, reaksyon at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *