TINANONG si Jennylyn Mercado kung napi-pressure ba siya dahil ang English Only Please ay nag-hit last year sa Metro Manila Film Festival at naging Best Actress pa siya? Ganoon din kaya ang mangyayari sa Walang Forever nila niJericho Rosales?
“Ayokong isipin ‘yun. Kasi noong nakaraan, wala rin naman akong pressure na naiisip. Wala naman akong in-expect. Ngayon, wala rin. Okey lang, sila na ang bahala. Basta ako, ginawa ko lang ang trabaho ko. Pinaganda ko siya.
“Ibinigay ko lahat, ganoon. Okey na yun,” deklara niya sa presscon ng Walang Forever.
Anyway, consistent si Jennylyn na itanggi si Dennis Trillo na nagkabalikan sila. Ipinangangalandakan niyang wala silang lovelife. Na-master na niya ang isyung ‘yan kung paano niya paglaruan. Wala na siyang kahirap-hirap ‘pag sinasagot ‘yan sa movie press.
Hindi rin MU ang tawag niya sa relasyon nila ni Dennis.
“We’re just friends, charot,” sambit pa ni Jen.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro