Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20-anyos bebot nagtangkang tumalon sa 22/F ng condo

NAGTANGKANG magpakamatay ang isang 20-anyos babae sa pamamagitan ng pagtalon mula sa tinitirhan niyang condominium sa Pasay City kahapon.

Kasalukuyang ginagamot sa Saint Claire Hospital sa Makati City ang biktimang itinago sa pangalang Amy, ng 22nd floor, La Vertti Condominium sa Donada St., Brgy. 35, Pasay City.

Base sa ulat na nakara-ting kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, dakong 9 a.m. nang mangyari ang insidente sa roof deck ng condominium.

Napag-alaman, habang nasa roof deck ang biktima at nagtatangka nang tumalon ay agad siyang nakita ng mga  residente  kaya agad ipagbigay-alam sa tanggapan ng Police Community Precint  (PCP-2) ng Pasay City Police at sa Barangay 35 ng naturang lungsod.

Dahil sa pakiusap ng mga awtoridad, kumalma ang biktima at hindi na itinuloy ang tangkang pagpapakamatay.

Agad dinala ng mga awtoridad sa naturang pagamutan ang biktima at sumailalim na sa medical treatment.

Napag-alaman sa mga kamag-anak, pangalawang beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktma.

Ayon sa pulisya, pagka-bigo sa pag-ibig ang isa sa mga dahilan nang tangkang pagpapatiwakal ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …