Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapatanggal umano ni Luis sa isang waiter, ‘di kapani-paniwala

121115 luis manzano
DAHIL kilalang mabait si Luis Manzano, walang naniniwala sa akusasyon sa kanya na nagpatanggal umano sa trabaho o isang waiter sa isang restaurant kasama raw si Billy Crawford.

Kahit ang girlfriend niyang si Angel Locsin ay sumagot sa basher.

“@cris0224 ano namang kinalaman ni Luis dyan at bakit mo naman siya dinadamay? Never nangbastos si Luis ng kahit sino. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. Kaya sana ‘wag kang mag-imbento ng kuwento dahil sabi mo nga may karma.”

sa papatanggal umano ni Luiz sa isang waiter, ‘mula Junior Division at pito rin mula sa Senior ivalya kung VP pa ang tatakbuhin Kahit si Luis ay sumagot na rin.

“@cris0224 – medyo mali facts mo, dahil never kami lumabas ni Billyboy at kumain ng steak! HANG TAAAAAAGALLLLL ko ng di nakakasama sa labas si Billyboy, kung gusto gumawa ng kwento, magulang mo nalang kausapin mo, tanungin mo sila bakit ka nila binuo, isama mo na rin yung mga basta basta naniniwala sa mga comment online, I’ve been dining out mula ng bata pa ako, I can say na wala pa akong binabastos na kahit sinong waiter o trabahador dahil pantay pantay tingin ko sa may ari ng restaurant o kahit sa waiter, ilang beses na akong na serve-an ng maling order, undercooked dish or di kaya may maling lasa yet NEVER ako nambastos ng kahit sinong staff, ang swerte naman ng kung sino yung nasa kwento mo dahil kamukha ko. Na serve-an na nga ako ng steak na lasang sabon e, tinawanan at binulong ko nalang sa waiter para di siya ma stress, ganun ako. Good luck sa pagdamay sa akin at kay Billy sa problema mo.”

“Parang may nabasa na akong ganitong issue dati na gawa gawa rin dati pero bakit bigla mo akong sinama eh wala naman ako dun? Gumawa pa yan si @criss0224 ng hate account na parang ihateluisandbilly hahahahaha baka nahuling nagnanakaw sa restaurant kaya natanggal kaya naghanap ng idadamay, di ko na nga maalala kelan kami huling nagkasama ni Billyboy outside of work, lalo pa’t kumain ng steak,” bulalas pa ng host ng Kapamilya Deal or No Deal , ASAP 20, at Celebrity Playtime.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …