MARAMI ang naintriga kay Pokwang nang mag-flash siya ng ring finger niya sa presscon ng All You Need Is Pag-ibig na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Derek Ramsay, at Kris Aquino.
Para kasing engagement ring ang proud niyang ipinakita sa movie press. Ayun, ang kasunod na tanong ay kung nag-propose na ang kanyang foreigner na boyfriend.
“Wala pa. darating tayo riyan. Wala, katutubos ko lang (ng singsing). Wala pa nga. Eto naman, kayo naman. Kaya ko namang bumili kahit paano. SM lang ‘to, eh,” pagbibiro niya.
Aminado naman si Pokwang na, ”Masaya ang Pasko ko. ‘Yung Pasko naman dapat talagang laging masaya kasi ‘yun ang kapanganakan ng ating Savior. Dapat lagi lang tayong thankful, ‘di ba, kung anong mayroon tayo.”
UNCUT – Alex Brosas