Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot niratrat sa bahay, kritikal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng dalawang lalaki makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Inoobserbahan sa Muntinlupa Medical Center ang mga biktimang si Edward Daguio, 31, at ang step-son niyang si Mark John Galanto, 18, kapwa auto mechanic, ng Saint Anthony St., Santo Niño Village, Brgy. Tunasan ng lungsod.

Habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Paul Jomari, ng Tupa Compound, Arandia St., ng nasabing barangay.

Base sa nakarating na ulat kay Muntinlupa City Police Officer-in-Charge Sr. Supt. Nicolas Salvador, dakong 10:45 p.m. nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima .

Ayon sa ulat, habang naghahanda ang dalawa ng kanilang hapunan, dumating ang suspek na walang sabing pinaulanan ng bala ang nagulat na mga biktima .

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng asul na Honda Civic (UHH-831).

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …