Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, natuyo ang lalamunan nang makita si Piolo

063015 piolo pascual sarah g
LIMANG kanta na lang ang nahabol namin sa concert ni Sarah Geronimo na From The Top dahil sa pesteng traffic mula Alabang hanggang Cubao. Hindi  na rin kinaya ng powers namin na dumaan sa programa ng  QC LGBT  Pride March 2015 sa Tomas, Morato. Hindi na talaga nakatutuwa ang trapiko sa EDSA  at nakakasagabal sa ekonomiya. He!he!he!

Nahabol pa namin ang guesting ni Sarah na si Piolo Pascual na talaga namang nakakabingi ang tilian sa Araneta.

Nagbiro pa si Sarah na natuyot ang throat niya dahil sa kaguwapuhan ni Papa P.

Kahit pangalawang gabi na ng concert ni Sarah ay puno pa rin.

Sumuporta at nanood naman sina Vice Ganda, Gary Valenciano, atJason Dy.

Maraming pinasalamatan at pangalang binanggit si Sarah pero hindi namin narinig ang pangalan ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Kahit isinisigaw ng audience ang name  ni Matteo ay deadma ang Pop Princess. Talagang pinaninindigan nila na ihiwalay ang personal sa trabaho.

Puring-puri namin ang stage ng concert ni Sarah na  lalong gumaganda ‘pag iniilawan  ni Direk Paolo Valenciano. Ang galing sa ilaw. Bongga. Havey!

Pumalakpak talaga kami noong  kantahin ni Sarah ang winning piece niya  sa Star For A Night na To Love You More ni Celine Dion. May choreo talaga ang ilaw ng stage  habang kinakanta niya ito.

Naramdaman din namin ang Kapaskuhan sa kanyang Christmas song na siya mismo  ang tumugtog sa organ

Hindi namin buong napanood ang From The Top pero may isang katoto na nag-react na na-bored siya dahil karamihan sa kinanta ni Sarah ay hindi siya pamilyar. ‘Yung mga kanta kasi  ni Sarah na hindi sumikat ang pinagkakanta niya.

Hindi naman kami makapag-react dahil sa limang songs na inabot namin ay nag-enjoy kami lalo ‘t nandiyan ang back-up niyang Power Dance at G Force.

‘Yun lamang!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …