KAHIT kami ay naiintriga sa tsismis na kahit no show sa mismong two-night concert niya si Matteo Guidicelli, masaya si Sarah Geronimo?
Paano raw kasi mare, nasa tabi-tabi lang daw ng Araneta center ang guwapong bf ni Sarah at from time to time daw itong nakakausap ng Pop Royalty na marami ngang hugot lines na binitawan sa spiels sa naturang concert.
Kung si Sarah daw ay nagawang magpakita kahit sa backstage lang during Matteo’s concert, iba raw ang arrangement ng magsyota sa mas malaking venue na Araneta?
Weeehhhh…. Ang sabi pa ng ibang tsismosa mareh…naka-check in lang daw ang aktor-bf sa bagong bukas na hotel sa Araneta? (Mare, nasa concert daw si Matteo noong 2nd night—ED)
Ambetiously – Ambet Nabus