Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick, mas marami raw silang fans ni Bea kaysa kay Jake

020915 derrick monasterio jake bea
NAALIW kami sa deklarasyon ni Derrick Monasterio na mas marami na silang fans ngayon ni Bea Binene kaysa kay Jake Vargas. Niluluto ng GMA 7 ang pagtatambalan nilang teleserye.

Hindi na siya apektado sa mga basher niya.

“Dati pa po akong bina-bash pero okay lang. Ngayon mas dumami na ‘yung fans namin ni Bea kaysa fans nila ni Jake. Yes! Mas marami ng magtatanggol sa amin,” tumatawa niyang pahayag sa contract signing niya sa GMA Records.

Aminado siyang niligawan niya rati si Bea. Binasted ba siya?

“Hindi naman ako binasted. Ano lang, parang nawalan lang kami ng gana sa isa’t isa,” katwiran niya sabay tawa.

Dahil doon ay nakasingit si Jake.

Liligawan ba niya ulit si Bea?

“Puwede po!”

Gaano sila ka-close ni Bea ngayon?

“From one to ten? Ten po! As in ano, parang ma-ano na talaga, kumbaga wala na kaming secrets sa isa’t isa.”

Hindi pa sila MU?

“Ah hindi pa. Mga dalawang kembot, dalawang tumbling, mga ganoon.

“Malayo-layo pa,”pakli ng binata.

Pero inamin din niya na na-hurt siya na si Kristoffer Martin ang nasa plan na last dance ni Bea noong debut nito. Pero napunta rin kay Alden Richards dahil na-late sa first dance.

 

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …