BAGAMAT pinarangalan ng 29th PMPC Star Awards for TV para sa German Moreno Power Tandem sina Alden Richards at Maine Mendoza, Enrique Gilat Liza Soberano, naiuwi pa ni Alden ang Best Drama Actor para sa kanyang seryeng Ilustrado. Tinalo niya ang mga Kapamilya actor na sina Daniel Padilla, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Gerald Anderson. Pati na ang beteranong actor na si Eddie Garcia.
Base sa kanyang acceptance speech, dumarating ang mga biyaya tulad nito sa tamang panahon.
Kung waging-wagi si Alden, tinalo naman ng isang bata si Yaya Dub (Maine Mendoza). Nanalo si Janna Agoncillo na magaling umarte at pinatunayang kayang magdala ng teleserye. Pagkatapos ng matagumpay na Dream Dad ay nasundan ito ng title role serye na Ningning. Hindi lang naman kasi popularity ang basehan sa kategoryang ito kundi kung ano ang mga napatunayan mong talent at narating mo sa larangan ng telebisyon bilang isang baguhan.
Mag-isa lang na dumating si Alden sa Star Awards at wala si Yaya Dub. Pero grabe ang nangyari. Hindi na ma-control ang crowd sa audience. Mula nang maging miyembro ako ng PMPC, ngayon lang ako nakakita sa isang awards night na dinumog talaga ang artista sa kinauupuan niya kaya kailangang dalhin sa backstage at itago.
Pandemonium. Pansamantalang natigil ang programa dahil dinaluyong ng fans si Alden. Natulala tuloy ‘yung artistang katabi ng actor.
Pati mga PMPC member ay naki-marshall na. Ayaw paawat ng mga gustong makalapit sa kanya. Pati ang Airtime producer na si Tess Celestino, nakiharang na rin sa daluyong ng fans at isa rin sa nagdala sa backstage.
‘Yung formality ng awards night ay medyo nabahiran dahil sa fans na nagkagulo kay Alden.
Pati sa backstage ay pinagkagulahan pa rin si Alden. Nagulat nga raw si Maja Salvador kung ano raw ‘yung gulong nangyayari hanggang malaman niyang nandoon si Alden. Inilipat na lang si Alden sa isa pang dressing room para itago muna.
Nakaw eksena naman si Rufa Mae Quinto bago tanggapin sa entablado ang Best Comedy Actress Award.
Pinagbebeso ang mga artistang nakaupo sa harapan, pati si Enrique na katabi ni Liza. Inalalayan ni Enrique si P_chi paakyat ng stage at hinalikan ulit ni Rufa Mae.
Nadapa naman si Sunshine Cruz nang paakyat sa entablado para magsalita saGerman Moreno Power Tandem bilang produkto ni Kuya Germs sa That’s Entertainment.
Yes, isang malaking tagumpay ang katatapos na 29th PMPC Star Awards For Television na ginanap sa KIA Theater noong Huwebes ng gabi, Disyembre 3.
Waging Best Drama Actress ang Kapamilya star na si Maja. Ang Bridges Of Love ng ABS-CBN ang itinanghal na Best Primetime TV Series.
Naging maningning ang pagtatanghal sa paghu-host nina Boy Abunda, Gelli de Belen, Enchong Dee, Maja Salvador, Christian Bautista, at Toni Gonzaga. Nag-perform naman sina Darren Espanto, Klarisse de Guzman, Christian Bautista, Ella Cruz, Sofia Andres, Rodjun Cruz, Grey Fernandez, Ataska Mercado, Bailey May, at Ylona Garcia at ang mga World Champions na sinaMark Mabasa, Lucky Robles, Lilibeth Garcia, at JV Decena.
Ipinagkaloob ni Master Showman German Moreno ang Power Tandem Award sa dalawang loveteam na sina Liza & Enrique (LizQuen) at Alden & Maine (AlDub). Iginawad naman ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Ms.Coney Reyes at ang Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Awardkay Ms. Maria A. Ressa. Waging Male & Female Celebrity Of The Night sinaBailey May at Ylona Garcia.
TALBOG – Roldan Castro