BAGAMAT sexy pa rin si Katrina Halili, hindi na isyu sa kanya kung tumaba siya. Ayaw na raw niyang magpaka-stress na magpa-sexy dahil anak niya ang priority ngayon. Tatlong taon na ang baby nila ni Kris Lawrence na si Katie. Rito na raw tutok ang atensiyon niya kaysa magiging pigura niya. Ang importante ay healthy at masaya si Katie.
Anyway kung mabait at supportive na ina ang role niya sa pelikulang Child Haus kasumpa-sumpa naman ang ugali niya sa serye niya sa GMA 7. Kahit bina-bash siya sa social media dahil sa pang-aapi niya kay Ken Chan ay natutuwa siya dahil ibig sabihin niyon ay effective ang pag-arte niya. Parang ang impact nito ay kasing-init sa role niya rati sa Marimar.
( ROLDAN CASTRO )