Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coney Reyes, Ading Fernando Lifetime Achievement awardee

061015 PMPC
ALL set na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagbibigay ng tropeo para sa mga natatanging alagad ng telebisyon. Ang Gabi Ng Parangal ay magaganap sa December 3, 7:00 p. m, sa KIA Theatre, Cubao, Quezon City.

Magsisilbing hosts sina Boy Abunda, Gelli de Belen, Maja Salvador, Enchong Dee, Christian Bautista, at Toni Gonzaga.

Sa opening, dalawang pares ang await—ang young actor na si Grae Fernandez kasama ang The Voice Kids finalist na si Ataska Mercado, at ang PBB 737 finalists na sina Bailey May at Ylona Garcia.

Sa pagbibigay ng tribute sa Ading Fernando Lifetime Achievement awardee Ms. Coney Reyes at Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement awardee Ms. Maria A. Ressa, maghahandog ng awitin ang mga World Champion na sina Mark Mabasa, Lucky Robles, Lilibeth Garcia, at JV Decena.

Isang masayang Youtube dance number naman ang ihahandog nina Sofia Andres, Ella Cruz, at Rodjun Cruz.

Sa finale, magtatagisan sa pagkanta sina Klarisse de Guzman, Darren Espanto, at Christian Bautista.

Ipagkakaloob naman ang German Moreno Power Tandem Award kina Alden Richards & Maine Mendoza (AlDub) at Liza Soberano & Enrique Gil (LizQuen).

Ang 29th PMPC Star Awards For Television, sa pamumuno ng kasalukuyang pangulong Joe Barrameda ay produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at mula ito sa direction ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN Sunday’s Best sa December 6.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …