Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anggulong politika, tinitingnan sa pagkamatay ng ina ni Pastillas Girl

120215 angelica yap
Angelica Jane Yap aka “Pastillas girl” kasama ang kanyang ina.

NAKAWIWINDANG naman ang ginawang pagpatay sa ina ni Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl. Ganoon na lang na binaril si Teresa Yap ng isang gunman sa bandang Tagaytay at Cabanatuan Streets, Barangay 131, Caloocan City.

Maraming anggulo ang tinitingnan sa pagpaslang sa ina ni Pastillas Girl. May kinalaman din kaya ang politika dahil Barangay Kagawad din siya sa kanilang lugar?

Humihingi ng justice si Pastillas Girl sa pagpatay sa kanyang ina.

Pero the height at hindi makatarungan ‘yung reaksiyon ng ilang fans porke’t solid ang paghanga sa AlDub.May nag-react ng ‘buti nga’.

Kalorky, dapat ang ganitong mentalidad ng fan ang binabaril, eh! Wala kayo sa ayos, ha! Tama ba naman ‘yan dahil lang sa paghanga sa AlDub? Baka nga hindi pa kayo kilala ng hinahangaan niyo tapos ganyan kayo makaasta. Hindi rin matutuwa mismo sina Alden Richards at Maine Mendoza ‘pag ganyan ang asal niyo dahil kilala silang mabait na tao.

Anyway, nakilala ang ina ni Pastillas Girl nang ipagtanggol at depensahan ang anak dahil sa paratang ng isang women’s group na mistulang ibinubugaw umano ng It’s Showtime si Angelica.

Nakikiramay kami sa mga naulila ni Teresa Yap.

(ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …