NAPANOOD namin ang And I Love You So trailer na mula sa Dreamscape Entertainment Production at talagang namangha kami sa ganda.
Bongga ang trailer. In an instant kasi ay na-capture nito ang buod ng story. Bongga ang acting ng mga artista, talagang walang nagpatalo.
We specially liked Angel Aquino’s confrontation with Dimples Romana. Sa eksena kasi nila ay nagdayalogo si Angel ng ganito kay Dimples, “Wag kang masyadong kakapit sa marriage contract mo. That’s just toilet paper.”
Winner ang punchline na ‘yon ni Angel. She delivered it with aplomb. Iba talaga ang isang Angel Aquino.
We feel na a soap trailer to be successful should have attention-getting one-liners, fast-paced narrative and good acting, elements that Dreamscape have successfully woven in And I Love You So.
Julia Barretto and Miles Ocampo as warring sisters were also good. Talagang bongga ang tunggalian nila lalo na roon sa isang eksena na binato ni Julia ng bola ng volleyball si Miles na kaagad namang gumanti.
UNCUT – Alex Brosas