KUWELA ang biro ni Vice Ganda na walang kakain dahil natalo ang FEU Tamaraws sa UST.
“Sayang naman ang mga ipinaluto ko. Talo ang FEU! Lunukin n’yo muna mga laway n’yo. Walang kakaiiiiiinnnnnn!!!!!” tili niya sa caption ng photo niya kasama ang buffet table na puro pagkain.
“Dahil talo FEU para nakong nababaliw. Parang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Onyok na nagsasabing ‘Hay Naku!’” dagdag pa niya.
“Sa sobrang galing ni Ferrer di na rin Nakao-offend matalo,” pagtatapos ng stand-up comedian na palaginhg sinusuportahan ang FEU Tamaraws sa laban nito.
Speaking of Vice Ganda, tuloy ang pagbibigay nito ng good vibes sa It’s Showtime. Just recently, napaligaya nito ang isang barbero na binigyan niya ng isang set ng panggupit. Not only that, sinagot din niya ang pamasahe nito papuntang Surigao.
UNCUT – Alex Brosas