Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia at Ningning, muling tumanggap ng pagkilala

113015 Jana Agoncillo Sylvia Sanchez ningning
KINILALA ang mag-lolang Ningning (Jana Agoncillo) at Mamay Pacing (Sylvia Sanchez) ng top-rating ABS-CBN tanghali serye na  Ningning dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte ng magkaibang award-giving bodies.

Hinirang si Jana na Best Child Actress sa 2015 Philippine Edition Network’s 4th Reader’s Choice Television, isang annual online entertainment voting awards ng blog site na Philippine Edition Network.

Pinabilib rin ng batikang aktres na si Sylvia ang Filipino-American community sa pagkilala sa kanya bilang Most Outstanding Filipino Performer in Film and TV ng Gawad Amerika Awards sa Hollywood, California para sa kanyang pagganap sa The Trial at Be Careful With My Heart.

Mas siksik din sa good vibes tuwing umaga dahil sa hatid na saya ng  Ningning. Ngayong linggo, magkakasakit si Ningning matapos alagaan ang kanyang tatay Dondon (Ketchup Eusebio). Todo naman ang pagbabantay ni Dondon kay Ningning kaya napabayaan ang negosyong daing.

Samantala, babalik na ng Manila si Mamay Pacing galing sa isla Baybay at makikiusap kay Dondon na huwag munang sabihin kina Kris (Rommel Padilla) at Ningning na babalik na siya.

Paano kaya makababawi si Dondon sa kanyang negosyo? Ano ang magiging reaksiyon nina Kris at Ningning sa pag-uwi ni Mamay? Abangan sa Ningning, Lunes hanggang Biyernes bago mag-It’s Showtime.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …