Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Music, posibleng bonding nina Janella at Elmo

113015 Elmo Janella
SI Janella Salvador ang leading lady ni Elmo Magalona sa first niyang teleserye for ABS-CBN, ang Born For You.

When asked kung nakapag-bonding na sila ng bagong Kapamilya actor, Janella said, ”Well, hindi pa kami talaga masyadong nag-uusap. Nag-meet lang kami pero I see him as a very nice guy, napaka-gentleman. He’s friendly naman.”

Nang matanong naman si Elmo about Janella ay sinabi nitong magkakasundo sila ng dalaga dahil pareho sila halos ng background.

“Feeling ko magiging creative talaga kami. I heard na si Janella is into old songs. She’s an old soul. Ako naman, medyo old soul din pero more on like modern, new a school vibe. I feel like roon pa lang we can make something new, something fresh,” said Elmo.

Sobrang na-excite si Janella nang malaman niyang gagawin nila ang Born For You for Dreamscape Entertainment Television.

“Ako na-excite naman ako sa idea. Parang inisip ko, ‘ano kaya ang story nito? Natutuwa ako na it will dwell on the music kasi we’re both musically inclined. Excited ako kung ano ang magiging closeness namin, ano ang magiging bonding naming dalawa.”

Parehong may musically inclined parents ang dalawa, si Janella ay anak ninaJenine Desiderio, former Miss Saigon artist and rock singer Juan Miguel Salvador of the Rage Band. Si Elmo naman ay anak ng Master Rapper na siFrancis Magalona.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …