Monday , December 23 2024

Pinay tiklo sa entrapment sa P5-M extortion sa New Zealand national

ARESTADO ang isang 38-anyos Filipina sa entrapment operation ng Pasay City Police makaraang kikilan ng P5 milyon ang lover niyang isang New Zealand national kapalit nang hindi pag-post sa social media (facebook) sa hubad na larawan ng dayuhan dahil hihiwalayan na ang babae kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, ang suspek na si Irene Riva Boquiron, walang trabaho, ng 1628 Bulacan St., ng naturang lungsod.

Habang kinilala ng pulisya ang biktimang si Raymond Alden Adlam, 46, may asawa, New Zealand national, pansamantalang nanunuluyan sa 1304 Fraser Place, Valero  St., Salcedo Village,  Makati City.

Sa report ng pulisya, naaresto si Boquiron ng mga pulis sa isang entrapment operation sa  Seafood Island Restaurant sa SM Mall of Asia Complex, Pasay City dakong 4:35 p.m.

Aniya sa biktima, pinagbantaan siyang ipo-post sa social media (facebook) ang nakahubad niyang mga larawan.

Hiningan aniya siya ng suspek ng halagang P5 milyon para hindi i-post ang hubo’t hubad niyang litrato, ngunit bumaba sa halagang P50,000.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *