Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, kompiyansang magiging superstar si Janella

112015 Janella mother lily
VERY vocal si Mother Lily Monteverde na magiging superstar si Janella Salvador at nagagandahan siya. Malaki ang tiwala niya sa young actress kaya ito ang ginawang bida sa filmfest entry ng Regal Entertainment na Haunted Mansion.

First movie raw niya ang Haunted  Mansion, Isinalang siyang lead agad so, medyo mahirap pero worth it. Nakita na raw niya ang material at nagalingan siya kayDirek Jun Lana.

“Actually, I’m just enjoying one step at the time. I don’t wanna expect anything. All I have is super strong faith na sana mag-stay ako ng matagal, hayun,” reaksiyon niya sa pahayag ni Mother.

Deklara pa ni Mother Lily, ”She’s very fresh. Modern at tiyak papatok sa kabataan ngayon. At this age of social media, isa si Janella sa binigyan namin ng break sa Regal dahil malakas ang charm niya’t she’s very talented. Malawak ang fan based niya’t I  believe that she will be a big name in the industry.”

Eh, sa totoo lang, halos lahat ng malalaking artista ngayon ay dumaan sa Regal Films. Hindi na nga mabilang kung sino-sino ang mga artistang pinanday at sinugalan ni Mother Lily para lumaki ang pangalan. Alam naman natin na when Mother Lily speaks sa isang baguhang artista nagkakaroon ito ng katotohanan. Kumbaga, Mother Lily knows best!

Naniniwala si Mother Lily na swak na swak si Janella sa Regal filmfest entry naHaunted Mansion.

Aware si Mother  Lily at si Janella na matindi ang laban sa MMFF dahil sa mga love team gaya ng AlDub, KimXi, at  JaDine pero ang bentahe raw nila ay nag-iisang horror movie ang Haunted Mansion.

“Puwede nang gift sa akin na maging successful ang movie,” sambit pa ng tinaguriang Darling Teen Princess at latest OPM Pop Sweetheart na si Janella.

Naikuwento  pa sa amin ng young actress na na-experience na raw niyang mamulto during Oh My G! serye niya sa ABS-CBN. Kinilala raw niya ang mga sister sa Mt.  Carmel tapos sinabi ng isang sister na parang nakita nila sa TV screen na may dalawang kamay sa shoulder niya sa dalawang scenes. Ang eksenang ‘yun sa OMG ay bagong lipat siya sa isang bahay na parang bini-bless niya.

After that, pina-bless daw nila ang nasabing bahay. Hindi naman daw niya nakita ‘yun on screen, ‘yung  madre lang na parang may sumusunod daw sa kanya na creature. Bukod dito, kung ano-ano raw ang nangyari sa kanya, namaga ang head niya.

Anyway, masaya siya na na-reunite silang tatlo nina Marlo Mortel at Jerome Ponce sa Haunted Mansion after ng Be Careful With My Heart. Komportable naman daw sila dahil kahit si Janice de Belen ay nakasama na rin niya sa OMG.

Natahimik naman at hindi nakasagot si Janella kung nanliligaw ba sa kanya si Marlo. Bawal pa raw siyang makipag-boyfriend dahil 17 pa lang siya.

Maghihintay ba si Marlo?

“Oo, sabi niya,” pakli ng dalaga sabay tawa.

Nagugustuhan naman daw niya kay Marlo ay very friendly, gentleman, hindi mahirap maka-close at masaya raw kasama. Nagtatawanan lang daw sila.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …