Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi at Rocco, hiwalay na nga ba

051215 rocco lovi
WALANG kompirmasyon na nanggagaling kina Lovi Poe at Rocco Nacino na hiwalay na. Kung ano-anong blind items na ang naglalabasan sa dalawa. ‘Yung iba ay iniuugnay pa sa pera ang umano’y hindi nila pagkakaunawaan.

Tulad sa ibang artista, inaabangan sa kanilang Instagram account kung  ano ang statement nila. Hitsurang Carla Abellana at Geoff Eigenmann ang drama na hindi direktang tinutukoy ang patutsadahan.

Nabibigyan na ng ibang kulay ang post ni Rocco na, “One of the hardest decisions you’ll ever face in life is choosing whether to walk away or try harder.”

May nagco-comment nga sa IG niya na harapin ito dahil trial lang iyon. Magdasal at magmahalan lalo’t malapit na ang Pasko. Posible kayang maging malamig ang Christmas ni Rocco?

Sa IG naman ni Lovi  ay may picture  ng kahon na punompuno ng memories at nagpapalungkot ngayon sa kanya. May kanya-kanyang interpretation ang mga fan na may kinalaman ito sa lovelife niya.

May quotation ka ring mababasa sa post niya na, “Sometimes you have to give up on people not because you don’t care, but because they don’t.”

Inuurirat tuloy siya ng fans kung hiwalay na ba sila ni Rocco? Deadma na lang siya. May nag-comment din na hindi sila hiwalay ni Rocco kundi lilipat na siya umano sa ABS-CBN.

Ano ba ang true?

 ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …