Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtags, bagong magpapakilig sa It’s Showtime

112615 Hashtags Showtime

TINANONG namin ang all male group na Hashtags ng It’s Showtime kung ano ang magiging reaksiyon nila sakaling ma-link sila sa isang host ng programa na siVice Ganda.

“Well, siguro, okey lang naman po. Si Vice Ganda ay very respected in showbiz at saka nasa same show naman kami, ‘Showtime’. Kung ma-link..ma-link,” sey ng isa sa 11 members ng Hashtags na binubuo nina PBB 737’s Teen Big WinnerJimboy Martin, PBB housemates na sina Tom Doromal , Jameson Blake Star, at Zeus Collins (lider ng grupo), Star Magic talents na sina McCoy De Leon,Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Ronnie Alonte, at grand winner ngGandang Lalake segment of It’s Showtime, na si Nikko Natividad at finalist na siLuke Conde.

Dagdag naman ni Nikko, ”Friend ko po si Vice. Nakasama ko na rin po siya sa music video niya at saka sa ‘Bestie’ as boyfriend niya po ako, o, hindi na rin po ako naiilang kay Vice.”

Sey naman ni Zeus, ”Nagkasama na rin kami ni Vice sa music video niya, kaming dalawa ni Nikko. Para sa akin mabait po si Vice at idol ko siya. Sobrang komedyante siya.”

At dahil si Zeus ang gumagawa ng sasayawin nila, choreographer, siya na rin ang tumatayong leader ng Hashtags.

So, paano na niya natitiyak na equal ang exposure ng sampu niyang kasama para walang umaangat lang at ‘yung iba ay naiiwan?

“Ang gusto ko pong gawin, lahat ite-train ko para wala pong maiwan sa amin. Kasi ‘yung iba, marurunong nang sumayaw, ‘yung iba medyo hindi pa masyado. Lahat kami sabay-sabay dapat lagi magpa-practice tapos ite-train po namin ang sarili namin para lahat po kami sabay-sabay. Kung sino man po ‘yung  maging front walang problema sa amin kasi isa ‘yung galaw namin,” pakli ni Zeus.

Napapanood ang Hashtags sa It’s Showtime tuwing  Lunes hanggang Sabado. Sila ang bagong magpapakilig sa mga kababaihan, kolehiyala, at mga member ng third sex. Sila ang nagpapadagdag saya at good vibes sa lumalaking barkadahan ng noontime show ng Dos.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …