Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaki nagpuslit ng 48,000 beer sa Saudi

112515 beer Pepsi
TINANGKANG ipuslit ng isang lalaki ang 48,000 lata ng beer papasok ng Saudi Arabia sa pamamagitan n pagtatakip ng label ng sikat na softdrink.

Dangan nga lang ay nahuli ito habang patawid sa Al Batha border, nang mapansin ng mga border control officer na may kahina-hinala sa dala niyang kargamento.

Plano umano ng lalaki na dalhin ang mga beer papasok ng Saudi, na ipinagbabawal ang ano mang inuming may alkohol.

Ayon kay Al Batha border general manager Abdulrahman al-Mahna,“pinatigil namin iyong truck na sa unang tingin ay may dalang normal na mga lata ng soft drink at matapos na isailalim namin sa standard process of searching ng mga produkto, nakita namin na tinakpan iyong mga alcoholic beer ng mga sticker logo ng Pepsi.”

Batay sa news site na alarabiya.net, nahuli sa akto ng pamumuslit ng bawal na produkto ang suspek at agad na dinakip ng mga awtoridad.

Hindi pa nga lang malinaw kung anong kaso ang isasampa laban sa kanya.

Ang pangyayari ay agad namang naging viral sa social media makaraang mapabalita ang insidente sa lokal na mga pahayagan at napalagay sa mga online news website.

Inilagay din sa Twitter ang video footage ng pagsisiyasat ng mga security official sa kargamento at naipamahagi ng ilang libong beses sa mga social media site.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …