INAMIN ni Jobelle Salvador na isa siyang tagahanga ni JC de Vera na kanyang anak sa You’re My Home. Noon pa siya nagagalingan sa aktor noong nasa Kapuso pa ito.
“Magaling siya, iba kasi ‘yung rehistro niya sa TV. Alam mong tatagal ‘yung bata, marunong siyang umarte, malalim ang akting niya. Kaya nasasabi ko na tatagal siya sa showbiz.”
Ngayong nakatrabaho na niya ang aktor, mas nadagdagan ang paghanga niya sa aktor lalo na ngayong nag-mature dahil madali raw itong katrabaho. Aniya, ”Never akong nag-expect that I will be working with him, tapos ‘yung nakita ko na siya, nag-iba na kasi, nag-mature na siya. Much, much better at ako pa nga ngayon ang naiilang. Kasi, siyempre kahit sino, maiilang ako sa kanila kasi lahat sila, they’ve had been active in acting. Naninibago ako sa kanila.”
Nasabi nito sa aktor ang pagiging fan nito kaya ganoon na lang daw ang pamumula ng aktor. ”Siyempre, hindi ko rin naman puwedeng ulit-ulitin ‘yun sa kanya, baka sabihin niya, may crush pa ako sa kanya eh, ang sa akin lang naman ay I’m a fan to him as an actor.”
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu