Friday , November 15 2024

BOC-POM 159 Warehouse

00 pitik tisoyANG 159 warehouse sa Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) ang official warehouse na iniimbakan para sa mga nasakoteng kontrabando.

Pero marami sa mga huling kontrabando ay hindi nailalagay sa bodegang ito dahil tila puno na o walang paglagyan sa loob kaya hindi maiwasan na magkaroon ng pilferage sa mga asin  asukal at bigas na waiting for auction.

Bago kasi malagay for auction ang isang kontrabando, ang mga nahuling kargamento ay kinakasuhan ng customs at maghihintay pa ng desisyon. At ito naman ay babantayan ng mga tauhan ng CIIS at ESS depende kung sino ang nakahuli, may kasabihan nga po sila, huli mo bantay mo.

Kapag mayroon nang magandang resulta sa kasong isinampa saka naman ito ililipat sa pangangalaga ng auction division.

Sa nakaraang panahon ang 159 warehouse ay mistulang shopping mall ng mga taga-customs at naging  bahay ng malalaking daga na mga magnanakaw sa pier.

Ang bodegang ito ay binisita  kamakailan ni BOC commissioner Alberto Lina, iniutos niya na linisin at itapon ang mga bagay-bagay na walang pakinabang o junk para maging  maluwag ang bodega at may mapaglayan ng mga huling kontrabando.

Good move Mr. Commissioner!

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *