Friday , November 15 2024

‘Tax cut’ solons nagpapapogi lang — PNoy

NAGPAPAPOGI lang ang mga mambabatas na nagsusulong ng income tax cut, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sa media interview sa Pangulo sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraan ang ASEAN summit kamakalawa, sinabi niya na kakapusin ang pondo ng gobyerno kapag tinapyasan ang 30% income tax kaya’t hindi matutustusan ang mga serbisyong panlipunan para sa mga mamamayan.

Iginiit niya na wala siyang planong magpamana ng problema sa susunod na administrasyon dahil magreresulta sa paglaki ng deficit ang panukalang income tax cut na magbibigay daan sa dagdag pangungutang ng bansa.

“So sa totoo lang, politiko rin naman ako e. Ang dali-dali magpapogi hindi ba? Eleksyon, ‘bawasan natin ang buwis niyo!’ At sa totoo lang naman walong buwan na lang ako hindi ko na sasagutin ‘yan kung saka-sakaling may problema. Pero ‘yung konsiyensiya ko paano? Iyong ang daming sakit ng ulo, problema at mga walang kalutasan, iyong iba sino-solve pa namin hanggang itong araw na ito e. Iniwan sa akin. Nangako ako na hindi ko ipapasa doon sa susunod,” aniya.

Sina Sen. Sonny Angara at Marikina City Rep. Miro Quimbo, parehong kaalyado ni Pangulong Aquino, ang naghain ng panukalang batas na income tax cut.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *