Subpoena king ng Port of Manila inireklamo sa NBI
Jimmy Salgado
November 24, 2015
Opinion
MATAGUMPAY ang 79th NBI anniversary dahil sa ganda ng ginawa nila sa pamumuno ni Director Virgilio Mendez.
Pinasalamatan niya lahat ng rank and file employees ng NBI dahil sa magandang contribution nila sa ahensiya.
Napaayos at pinaganda pa ang NBI firing range sa kanyang inisyatiba sa tuong mismo ni Lucio Tan. Pinasalamatan rin nya si Mr. Ramon Ang na palaging nandiyan sa mga adhikain ng NBI.
Maraming binigyan ng award, kabilang ang NBI agents na nagbubuwis ng buhay sa kanilang tungkulin at ganoon din ang mga media.
Isa po ako sa pinalad na mabigyan ng award sa NBI.
Mabuhay ang NBI!
***
Grabe na pala talaga ang reklamo sa isang alias Mendoza. Sabi ng ating source, “Sir Jimmy ano ba ang kasalanan namin? Grabe boss, buong Visayas at Mindanao ang laki daw ng tara nito? Tara dito tara doon. Director na daw siya ng pelikula.”
Hinaing pa ng isang importer, “Boss mamumulubi kami sa sobrang tara at ‘di na namin kaya.”
Kaya nagsadya na kami sa NBI para humingi ng tulong, kakaiba po ang Mendoza na ito. Di naman daw niya item ‘yun. Kaya sasampahan namin siya sa Anti-Graft ng NBI at Anti-Fraud. Ano ba ang nangyari sa ating bansa puro pahirap at ang daming namumulubi dito kay Mendoza?
Sasampahan din daw nila ng kaso sa Ombudsman, ganoon pala ‘yan mula naging director ‘di na pwede ang 5k, kailangan pala 50k!?
Nampusa naman!
Subpoena king, ano ba ‘yang ginagawa mo? Kawawa ang bayan!
Pati waw mga empleyado ng Customs, sinu-subpoena niya para magkatara, ano ba ‘yan?
***
Maraming mapagkunwari talaga na taga-customs lalo ‘yung ibang hao-shiao na akala mo ang linis-linis sa BOC pero ang lakas naman tumara.
Oy wag kayong magyabang dahil wala naman kayong item sa customs!
Sa susunod na issue, tatalakayin natin ang kabalbalan ni subpoena king!
***
Matagumpay ang 1st shootfest ng ARAI (ADUANA REPRTER’S ASSOCIATION INC.) nitong nakaraang sabado sa PNP-Southern Police District firing range na dinaluhan mismo ni DepComm IG ret. Gen. Jessie Dellosa na hindi pa rin kumukupas sa pagbaril.
Dumating din si SPD Director P/CSupt. Henry Salvo Rañola Jr., ang President ng CLEX na si Atty. Edward Ibera, ganoon din si CIIS agent Troy Tan, Coll. Manny Mamadra, Basset Lucman, Junny Guadalupe, mga shooters from Air force at iba pang grupo ng mga gun club.
Mabuhay ang Aduana Reporters Association Incorporated na binubuo ng mga beteranong mamamahayag.
Thank you very much sa lahat ng sumoporta sa ARAI.
Mabuhay kayong lahat!