Friday , November 15 2024

PNoy deadma sa pagtakbo ni Duterte

TIKOM ang bibig ni Pangulong Benigno Aquino III sa inaasahang pagsabak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.

Sinabi ng Pangulo, wala siyang hawak na ano mang dokumento hinggil sa kandidatura ni Duterte sa 2016 presidential race kaya gaya ng iba, ang kanyang opinyon ay espekulasyon lang.

Aniya, hindi naman siya ang magpapasya nang paglahok ni Duterte sa halalan.

“Wala akong tangan na ano. Alam n’yo parang one hindi ko tangan literally iyong dokumento; number two, hindi rin ako ang magdedesisyon e kaya ang opinyon ko pare-pareho lang ng opinyon natin. Ngayon, kapag lumabas lahat ng facts, siguro mas maliwanag,” aniya sa media interview sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraan ang ASEAN summit kamakalawa.

Hinggil sa kandidatura ni Sen. Grace Poe, naniniwala si Pangulong Aquino na ang taongbayan na ang dapat magpasya kung karapat-dapat siyang ihalal bilang susunod na presidente ng bansa.

Ngunit wala rin siyang komentaryo sa pagbasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa disqualification case laban kay Poe.

Kaugnay nito, nanawagan si Presidential Spokesman Edwin Lacierda na dapat plataporma ang gawing basehan sa pagpili ng kandidato at hindi popularidad lang.

Ang pambato aniya ng administration na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay may malinaw na gagawin kapag inihalal at ito’y ang pagpapatuloy ng ‘daang matuwid’ ng administrasyong Aquino.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *