Wednesday , April 16 2025

Media sinisi ni PNoy sa nabulgar na tanim-bala

1124 FRONTISINISI ni Pangulong Benigno Aquino III ang media sa pagkabuyangyang ng tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na umani ng batikos sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi naman ganoon talaga kalala ang insidente ng tanim-bala, pinalaki lang ng media at may nakinabang sa paglaki ng isyu.

“Hindi naman yata ganoon ang nangyari. Medyo na-sensationalize at medyo may mga nakinabang nang mag-sensationalize niyan,” aniya sa media interview sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraan ang ASEAN summit kamakalawa.

Minaliit niya ang tanim-bala isyu dahil batay sa estadistika na isinumite sa kanya ng Department of Transportation and Communications (DoTC) , lumalabas na sa 34 milyong pasahero na gumamit ng NAIA sa loob ng isang taon ay 1,200 ang insidente nang nahulihan ng bala at dalawang katao lang ang nagreklamo na sila’y kinikilan ng mga awtoridad.

Wala pa aniyang report na ibinibigay sa kanya ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tanim-bala scam.

Hindi aniya dapat daanin sa haka-haka ang usapin, kailangang hanapan ng pruweba at kapag napatunayan na may nagkasala ay parusahan.

Walang binanggit ang Pangulo kung pakikinggan ang panawagan ng kanyang mga “boss” na sibakin sa puwesto si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Angel Honrado na sinasabing kanyang pinsan, dahil sa doktrina ng command responsibility.

About Rose Novenario

Check Also

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Sara Discaya Team KAYA THIS

Team KAYA THIS, nanawagan sa Comelec

NANAWAGAN ngayong Martes ang TEAM KAYA THIS ng Pasig City sa Commission on Elections (COMELEC) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *