Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, naghubad; Lloydie, nagpakita ng puwet sa A Second Chance

112315 bea lloydie

KUNG sinasabi nilang pabebe ang acting ni Kathryn Bernardo ngayon, ang original ay si Bea Alonzo eight years ago bilang si Basha. Tuwing napapanood niya ang One More Chance, ngayon  ay may part na Pabebe si Bea.

Tinatawanan na lang at nandidiri si Bea sa kaartehan ng acting niya noon pero ngayon ay kinikilala nang magaling na artista. Iginiit pa ni Bea na 19 years old lang siya noon.

Pero sa sequel ng One More Chance na A Second Chance ay todo naman ang improvement ng acting  niya.

Nagmarka sa moviegoers at sa generation ngayon ang One More Chance na isa sa mga unang hugot movie at bonggang-bongga ang mga dialogue. Sobrang malapit sa puso ni Bea ang pelikula dahil hindi lang naging classic ito kundi  naging maganda ang working relationship niya sa buong cast gaya nina John Lloyd Cruz, Janus Del Prado, Ahron Villena, Bea Saw, Dimples Romana.

Bulalas naman ni Lloydie, ito ang pelikulang sumasabay sa generation noon. Suma­bay sa isang napaka-­influential na generation ang One More Chance kaya pagkatapos ng 8 years ay  tumatak pa rin sa karamihan.

Anyway, maraming pasabog ang sequel na A Second Chance. Sey nga ni Direk Cathy na ito ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya.

Feeling ni Bea ay sinagad siya ni Direk dahil akala ng actress ay ilo-launch na siya bilang bold star.

Pero okey lang kay Bea ang hubaran scenes na ‘yun. Buong puso na niyang tinanggap.

“Nandoon na po, eh. Wala na po akong nagawa. Ha! Ha! Ha! Parte po kasi siya talaga siya ng story,” paliwanag ni Bea.

Hirit naman ni Direk Cathy, ”Kasi ‘pag mag-asawa kayo, parte na ‘yon ng pagdaraanan n’yo, to be naked in front of each other.Pero wala naman pong naked scene, hindi ko po kaya.”

Kahit naman si John Lloyd ay magpapakita ng puwet sa kanyang picture. Hanapin daw dahil sinadya ni Direk na makita ito ng manonood.

Showing na sa November 25 ang A Second Chance na prodyus ng Star Cinema.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …