Friday , November 15 2024

Raliyista nakalapit sa APEC venue (Binomba ng water cannon)

PINAIGTING ng Asia-Pacific Economic Coop-eration (APEC) security ang kanilang pagbabantay sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at International Media Center (IMC) nang makalapit ang ilang raliyista sa event venue kahapon.

Ayon sa source, naghiwa-hiwalay ang mga nagpoprotesta kaya nakapuslit ang ilan sa kanila sa mga barikada ng mga awtoridad.

Dahil dito, inihanda ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang water cannon sakaling kailanganin para paalisin ang mga raliyista.

Bago mag-alas tres kahapon, ginamit rin ng mga bomberong nagmula pa sa south Luzon, ang water cannon para tuluyang buwagin ang hanay ng mga demonstrador.

Ang nasabing mga bombero ay pinaniniwalaang siya ring bumuwag sa piketlayn ng mga manggagawa sa Asia Brewery sa Laguna.

Ngunit ayon sa APEC security, pakikiusapan muna nila ang mga protesters na lisanin ang ‘no rally zone,’ ngunit kung magmamatigas ay saka lang sila gagawa ng iba pang aksyon.

Nananatili ang maximum tolerance ng mga awtoridad sa mga raliyista.

Samantala, binomba ng tubig ng mga bombero ang nagpupumilit na militanteng grupo na pasukin ang barikada ng mga awtoridad sa kahabaan ng Buendia Ave. at Roxas Blvd. malapit sa (PICC) sa Pasay City kahapon ng umaga.         

Bandang 10 a.m. 500 raliyista ang sumugod sa lugar at nakipagtulakan sa mga pulis.

Dahil sa pagpupumilit na makadaan at makapasok sa kahabaan ng Roxas Boulevard, binomba sila ng tubig ng mga bombero.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *