Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, nabiktima ng Friday the 13th

 

050515 piolo pascual

HINDI kami makapaniwala sa lumabas sa isang website na pinagpapasa-pasahan din ngayon sa social media na nagtapat umano si Piolo Pascual sa tunay niyang gender. Bagamat lumang isyu ang pagdududa sa kanyang kasarian, parang nagdududa kami sa kredibilidad ng interbyu na ito. Parang biktima si Papa P ng Friday the 13th dahil sa araw na ‘yan lumabas ang nasabing artikulo.

Iginiit ng Manila Link na exclusive nila ang panayam na ‘yun na tanggap at suportado umano ng anak niyang si Inigo.

Mababasa pa ang quotation ni Papa P sa www.manilalink.com, “I don’t want to hide anymore. Wala na ‘kong pake kung ano’ng sabihin nila. (After) 21 years in showbiz, all I want is to be free and be with who I want to be with.”

Nakatingala kaya sa kisame ang sumulat nito? True ba ito? Imbento lang ba ito? Pero mas disclaimer.

Kung talagang magsasalita si Piolo, magiging exclusive na ‘yan ng ABS-CBN 2 at sa mga showbiz website ng ABS-CBN. Nakakaloka talaga ang lumabas na artikulong ‘yan.

Mababasa rin sa nasabing website ang description na “Manila Link is the most notorious satirical news portal in the Philippines with article submissions from users all around the globe.”

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …